BBM-Sara

BBM-Sara namayagpag sa Pulse Asia survey

498 Views

MULING namayagpag ang tambala nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte sa survey ng Pulse Asia noong Enero.

Nakakuha si Marcos ng 60% malayo sa pumapangalawa na si Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 16%.

Sumunod naman sina Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno na kapwa may tig-8% at Sen. Panfilo Lacson na may 4%.

Ang nalalabing 4% ay pinaghatian ng iba pang kandidato kung saan 3% hindi pa alam kung sino ang kanilang iboboto.

Sa vice presidential race, nakakuha naman ni Duterte ng 50% malayo rin sa pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto III na may 29%.

Sumunod naman sina Sen. Kiko Pangilinan na may 11%, Dr. Willie Ong na nakuha ng 5% at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 1%.

Ang nalalabing bahagi ay pinaghatian ng iba pang kandidato at mga respondent nawalang ibinoto.

Ginawa ang survey mula Enero 19-24. Kinuha rito ang opinyon ng 2,400 respondent na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2% at 95% confidence level.