Tsino

BI agents tiniklo Tsino na sangkot sa money laundering

Jun I Legaspi Mar 5, 2025
21 Views

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang Chinese national na itinuturing na suspek sa money laundering para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Si Wang Zhouyu, 35, inaresto sa Roberts St., Pasay City ng mga operatiba ng fugitive search unit ng BI noong Marso 4.

Itinuturing siyang hindi kanais-nais na dayuhan matapos ipagbigay-alam ng mga awtoridad ng China sa BI na mayroong standing warrant of arrest si Wang para sa kasong panlilinlang ayon sa Article 82 ng PRC Criminal Procedure Law.

Nagtatag umano si Wang at kanyang mga kasamahan ng isang network na kasali sa mga gawain ang money laundering at nakikipag-ugnayan sa iba pang mga grupong nang-i-scam na nakabase sa mainland China upang magsagawa ng transfer service para sa kanilang mga ilegal na kita.

Nasubaybayan ng mga awtoridad sa ibang bansa ang mga transaksiyon sa pananalapi na umabot sa CNY 19 milyon na may kaugnayan sa 23 kasong kriminal.

Iniulat si Wang bilang isang money launderer ng mga ilegal na operasyon ng POGO at scam hubs sa bansa at tinutulungan sila sa iligal na paggalaw ng mga pondo.

Samantala, nagsimula naman ang manhunt laban sa isang South Korean na wanted dahil sa panlilinlang.

Si Na Ikhyeon, 28, wanted sa Korea dahil sa pagkakasangkot sa mga pekeng pamumuhunan.

Ayon sa mga awtoridad sa South Korea, pinaniwala ni Na ang kanyang mga kababayan na mamuhunan sa mga hindi umiiral na account.

Inaresto si Na ng BI noong Mayo 31, 2023 at nakulong sa pasilidad ng BI habang hinihintay ang kanyang deportasyon, ayon kay BI Commissioner Joel Viado.