IBMATA Photo Bureau of Immigration

BI, IBMATA nagdaos ng border security summit

Jun I Legaspi Nov 13, 2024
46 Views

IPINAGMALAKI ng Bureau of Immigration (BI), sa pakikipagtulungan sa International Border Management and Technologies Association (IBMATA), ang matagumpay na pagdaraos nila ng Border Management and Technologies Summit Asia Pacific mula Nobyembre 5 hanggang 7 sa Maynila.

Ang summit ay dinaluhan ng mga pinuno sa buong mundo sa border security upang talakayin ang mga solusyon at mga makabagong pamamaraan sa mga makabagong hamon sa rehiyon ng Asia-Pacific.

Sa kanyang opening statement, binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang summit, ang kahalagahan ng pandaigdigang pagtutulungan sa pagpapatibay ng seguridad sa hangganan.

“This summit provided an invaluable platform for agencies and experts to share best practices and collaborate on evolving border security measures.

By co-hosting this event, we affirmed our commitment to border innovation that supports both national and global security,” ani Viado.

Kabilang sa agenda ng summit ang mga talakayan ukol sa pagsasama ng artificial intelligence, biometrics, at data analytics upang mapahusay ang mga sistema ng kontrol sa hangganan.

Ibinahagi ni Viado ang mga kamakailang pag-unlad ng BI sa mga digital na sistema, tulad ng e-gate system at ang Advanced Passenger Information System (APIS), na sinusuri ang mga biyahero bago dumating sa Pilipinas.

“Ang layunin namin ay makapagtaguyod ng isang ligtas at episyenteng hangganan na umaangkop sa pandaigdigang pangangailangan sa seguridad,” diin ni Viado.

Bukod kay Viado, ang mga pangunahing tagapagsalita mula sa BI ay sina Bienvenido Castillo III, Hepe ng Anti-Terrorist Group ng BI, at Jose Dennis DP. Javier, Hepe ng BI NAIA Terminal 3.

Kabilang sa iba pang mga tagapagsalita ay mula sa Bureau of Customs, Department of Information and Communications Technology, Airline Operators Council, at New NAIA Infrastructure Corporation.

Nagbigay din ng mga talumpati ang mga internasyonal na eksperto mula sa U.S. Customs and Border Protection, Department of Home Affairs ng Australia, at Immigration Department ng Malaysia, bukod sa iba pa.

Ang summit ay pagkakataon upang maipakita ang mga pag-unlad ng ahensya sa modernisasyon ng hangganan sa pandaigdigang entablado.

“This summit exemplified our dedication to building secure, resilient borders—not only for the Philippines but in cooperation with our global counterparts,” sabi ni Viado.