Dayuhan

BI inaresto 2 dayuhang fugitive sa Metro, Negros Or.

Jun I Legaspi Jul 23, 2024
109 Views

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan sa Metro Manila at Negros Oriental.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga dayuhan na sina Korean national Kim Jinsu, 45, at American Malik Dejoun Okojie, 26, na naaresto ng mga tauhan ng BI fugitive search unit (FSU).

Wanted si Kim sa droga sa Korea at naaresto sa F.B. Hrrison St., Pasay City habang si Okojie nasakote sa Brgy. Bagumpandan, Dumaguete City.

“They will be deported after our board of commissioners has issued the orders for their summary deportation.

Afterwards, we will include them in our blacklist to prevent them from re-entering the Philippines,” saad ni Tansingco.

Si Kim may arrest warrant na ipinalabas ng Daejeon district court sa Korea dahil sa kasong droga bunsod ng pamumuno umano sa isang drug syndicate na sangkot sa illegal importation, distribution at sale sa Korea sa pagbebenta ng droga na nagkakahalaga ng 5 billion won ($3.6 million).

Si Okojie inisyuhan ng warrant ng Denton county district court sa Texas noong Jan. 23, 2023 dahil sa aggravated assault gamit ang deadly weapon.