Online Source: Bureau of Immigration FB page

BI kinumpirmqa pagkahuli ng mahigit 100 dayuhan sa illagal online gaming hub

Jun I Legaspi Aug 31, 2024
70 Views

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa mahigit 100 foreign nationals sa illegal online gaming hub sa Cebu noong Sabado.

Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr., naaresto ang mga suspek sa isang resort sa Brgy. Agus sa Lapu-lapu City katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek sa mission order na inilabas ni BI Commissioner Norman Tansingco laban sa 13 illegal aliens na binabantayan dahil sa overstaying at nagtatrabaho ng walang permit sa lugar.

Sa pagsalakay, daan-daang mga dayuhan ang napag-alamang sangkot sa mga ilegal na operasyon ng online gaming sa mga pansamantalang workstation sa loob ng resort.

Ang mga naarestong dayuhan sasailalim sa inquest proceedings at pansamantalang ikukulong bago i-deport.

Sinabi ni Tansingco na naniniwala siya na dapat ding harapin ng mga may-ari ng resort ang mga kaso dahil sa pagkukulong ng mga ilegal na dayuhan sa lugar.

“We will suggest to the authorities to file cases against resort owners for allowing their properties to be used by illegal aliens in their covert operations.

This will serve as a warning to those who might attempt to start illegal online gambling operations, which has already been banned by the President,” saad ni Tansingco.