Patay

Bibili ng yelo binaril, patay

Bernard Galang May 29, 2025
23 Views

TODAS ang lalaki dahil sa pamamaril habang bumibili ng yelo noong Miyerkules sa Brgy. San Juan, San Fernando City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director P/Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang biktima na si Marlon Gabito, 34.

Sinabi ng kapatid ng biktima sa mga pulis na lumabas ng bahay ang biktima para bumili ng yelo ngunit hindi na umuwi.

Nang hanapin niya, nakita niyang wala ng buhay ang biktima sa kalsada at may tama ng bala sa likod.

Nire-review na ng mga pulis-San Fernando City ang mga CCTV footage sa lugar ng krimen para makilala ang suspek.