DILG

BIDA pormal na inilungsad ng DILG

207 Views

PORMAL ng inilungsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang anti-drug campaign ng gobyernong tinawag na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) sa Quezon City umaga ng Sabado, Nobyembre 26.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot ay nangangailangan ng whole-of-government approach at hinimok ang mga lokal na pamahalaan na bumuo ng kanilang local anti-drug plan of action (LADPA) at barangay anti-drug plan of action (BADPA) na makatutugon sa kanilang pangangailangan.

“Our anti-illegal drugs campaign takes a whole-of-government approach which would only be efficient if we are able to execute plans such as LADPA and BAPDA down at the grassroots. It is imperative that our LGUs work with us and draft their respective LADPAs and BADPAs in the barangays,” ani ni Abalos.

“Ang focus po natin ngayon ay pakikiisa ng lahat sa laban sa iligal na droga hanggang sa grassroots, katulad din ng ating BIDA Program,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Abalos ang pondo na kakailanganin para sa LADPA/BADPA initiative ay dapat na isama sa kani-kanilang taunang budget.

“Inaasahan po namin ang pakikiisa ninyo sa ating hangaring tuldukan ang iligal na droga sa bansa,” sabi pa ni Abalos.

Ang LADPA/BADPA ay alinsunod sa Republic Act No. 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.