Big 1 Source: Abra province file photo

Big 1 paghandaan dapat ng pamahalaan

Jun I Legaspi Mar 29, 2025
38 Views

NANAWAGAN si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na muling suriin ang protocol sa pagtugon sa tinatawag na “Big One” o malakas na lindol sa Metro Manila habang nakikidalamhati sa mga mamamayan ng Myanmar at Thailand matapos ang 7.7-magnitude na lindol doon.

Ayon kay Abalos, dapat paghandaan ng pamahalaan ang kinakailangang tulong na maaaring hilingin ng Myanmar at Thailand mula sa kanilang mga kapitbahay sa ASEAN at sa pandaigdigang komunidad.

“The international community were there during the times that the Filipinos needed their help due to calamities.

We should also prepare the necessary assistance that we could provide if in case the governments of Myanmar and Thailand need help,” saad ni Abalos.

Ayon sa mga ulat ng mga International agencies, tinatayang nasa 700 katao ang nasawi sa Myanmar at Thailand, habang libu-libo ang nasugatan.

Sinabi ni Abalos na ang epekto ng lindol wake-up call para sa mga awtoridad ng gobyerno upang muling suriin at i-update ang umiiral na protocol para sa “Big One.”

Si Abalos, na nagsilbing chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), agsabing may mga umiiral nang paghahanda para sa “Big One,” ngunit dapat itong regular na i-update upang mas maraming buhay ang mailigtas.

Bukod sa regular na pagsasagawa ng earthquake drills, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang palawakin ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga dapat gawin pagkatapos ng isang malakas na lindol.

Ipinaliwanag niya na napakahalaga ng unang pagtugon sa matinding lindol, dahil maraming buhay ang maaaring mailigtas sa loob ng mga unang oras matapos ang sakuna.