Calendar
Binata nalambot sa kasong droga sa Tondo
NALAMBAT ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, ang isang lalaking drug suspect sa Gate 17 ng Parola Compound sa Brgy. 20 sa Tondo, Manila, Miyerkoles ng umaga.
Nakilala ang suspek na si alyas John Michael,25, binata residente ng Purok 1, Isla Puting Bato, Barangay 20.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng MPD Station 2 bandang 10:30 ng umaga ng mamataan ng mga operatiba sa pamumuno ni Police Captain Genesis Aliling ang suspek na agad nilang dinakma.
Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu laban sa suspek ni Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court Branch 175.
Walang inilaang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kabilang sa talaan ng top 5 most wanted person sa station level.