Binata Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang suspek na nahulihan ng baril at grananda habang nagsasagawa ng Anti Criminality Operation ang mga operatba ng MPD Baseco PS.13 sa Port Area Manila..Photo by:Jon-Jon Reyes

BINATA SWAK SA PAGDADALA NG BOGA AT GRANADA NA BASECO PORT AREA MANILA

Jon-jon Reyes Sep 12, 2025
334 Views

DAHIL sa walang patid na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation.(SACLEO) ng mga operatiba ng MPD Baseco Police swak sa rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ito ng boga at isang hand granade sa kahabaan ng Blk.14 near corner Main road, Brgy.649, Port Area, Manila. huwebes ng madaling araw,.

Kinilala ni MPD Chief Arnold Abad ang naarestong suspek na si alyas “Ismael Jr” 39 anyos,tubong Cotabato binata, at kasalukuyang nakatira sa Blk.9 Tambakan, BASECO, Brgy.649, Port Area, Manila,,

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Rommel S. Anicete hepe ng Baseco Police Station.13 bandang 4:30 ng madaling araw ng masita at maaresto ng mga operatiba na sina Pat Lemuel Bill Montino at Pat Ron-Ron Pestaño ang suspek sa nasabing lugar.,

Kasalukuyang nag sasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga awtoridad ng maispatan ang suspek ng mga tauhan ng Intelligence and Follow-Up Unit sa pangunguna ni PSSg Zandro David,dahil dito ng kanila itong lapitan at tanungin,dito na napansin na balisa at dina mapakali ang bintana nag resulta na pag aresto sa suspek,.,.

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang isang (1) Adidas belt bag, isang (1) Driver’s License, isang (1) unit hand grenade at isang (1) kalibre .45 na may serial no. 1187760, isang (1) caliber .45 magazine at pitong (7) piraso ng caliber .45 na bala.

Angt suspek ay nahaharap sa mga paglabag sa R.A.9516 (Explosives Crime Act) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms & Ammunition) na kasalukuyang nakakulong sa MPD Baseco PS.13 sakop ng brgy 649 Port Area Manila.