Nacional Kinilala ni PLt.Col.Arwen Nacional ang natimbog na suspek. JONJON C. REYES

Binata timbog sa boga sa Sampaloc

Jon-jon Reyes Oct 27, 2025
279 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Barbosa Police Station 14 ang isang 24-anyos na binata matapos mahulihan ito ng baril sa kahabaan ng Mendoza St. corner P. Paredes, sa Brgy.464 ,Sampaloc, Manila , madaling araw ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si alyas “Flipper”, umano’y miyembro ng Commando Gang at residente ng Mayhaligue Street, Brgy. 264, Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Lieuteant Colonel Arwen Nacional, hepe ng MPD Barbosa Police Station14, bandang 12:30 ng madaling araw ng magsagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng MPD Nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa suspek na may hawak na baril.

Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek ngunit nadisarmahan din siya.

Nakuha sa suspek ang improvised firearm na may isang 38mm live ammunition.