Calendar
Iniharap ni Police Lieutanant Colonel Rommel Anicete ang suspek sa robbery matapos na matimbog ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 sa Baseco, Port Area, Manila. JONJON C. REYES
Helper swak sa selda dahil sa pagnanakaw
SWAK sa selda ang 35-anyos na lalaking helper matapos makorner ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station13 sa Brgy 649, Baseco Compound, Port Area, Manila madaling araw ng Lunes.
Kinilala ang suspek na si alyas Jeffrey, binata, naninirahan sa nasabing lugar at kabilang sa talaan ng Top 3 Most Wanted Person (station level).
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, Station Commander ng Baseco Police,bandang 2;45 ng madaling araw ng mapag-alaman na ang suspek ay naroroon sa kanyang tinitirahang kwarto at nagtatago.
Isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PLt Apolonio B Ellao.
Ang warrant ay inisyu ni Judge Maria Cristina C. Botigan-Santos, ng RTC Branch 36, Manila dahil sa kasong pagnanakaw.
Inirekomenda ang piyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

