blazers Sumalaksak si McLaude Guadaña ng Lyceuk laban sa depensa ng Arellano sa isang tagpo sa NCAA men’s basketball kahapon. Contributed photo

Blazers wagi laban sa Cardinals

Theodore Jurado Apr 22, 2022
255 Views

KUMALAS ang College of Saint Benilde sa dikitang laban sa payoff period upang talunin ang San Sebastian, 71-62, at mapanatili ang maliit na tsansa na makapuwesto agad sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament sa La Salle Greenhills kahapon.

Bumuslo si Will Gozum ng 18 points kabilang ang undergoal stab na siyang nagbigay sa Blazers ng pinakanalaking abante sa laro, 68-57, may 1:34 sa orasan.

Naiposte ang ikalimang panalo sa walong laro, hindi hawak ng CSB ang kanilang kapalaran na makuha ang automatic Final Four slot. Ang panalo ng co-leaders San Beda at Letran, na parehong walang talo sa anim na laro, ngayon ay siyang maglalagay sa season’s host sa play-in stage.

Haharapin ng Red Lions ang Mapua sa alas-12 ng tanghali, habang sasagupain ng Knights ang Jose Rizal University sa alas-3 ng hapon.

“It”s nice to have to win but of course we can’t celebrate because we still have to play San Beda,” sabi ni coach Charles Tiu, kung saan tutuldukan ng Blazers ang kanilang kampanya sa elimination round laban sa Lions sa Martes.

Sa unang laro, nagbida si Enzo Navarro sa payoff period nang maungusan Lyceum of the Philippines University ang Arellano University, 70-66, upang manatiling buhay ang pag-asa na makapasok sa play-in round.

Nalasap ng Stags, na nakakuha ng 25 points at 10 rebounds mula kay JM Calma, ang ikalimang pagkatalo sa walong laro sa pang-anim na puwesto.

Nakatabla ang kanilang biktima at ang walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa pang-pito sa 2-5, may kalahating laro na lamang ang layo ng Pirates sa karera para sa huling play-in berth.

Ang mga koponan na pupuwesto sa pangatlo hanggang pang-anim matapos ang single-round eliminations ang siyang aangat sa play-in stage upang madetermina ang dalawa pang Final Four qualifiers.

Mabigat ang dinaanang rebuilding process ng LPU ngayong season dahil sa nawala ang core na nagdala sa kanila ng tatlong sunod na Final Four stints kabilang na ang Finals appearances noong 2017 at 2018.

“Actually sir sobrang hirap. Kung titignan mo yung line-up apat kaming holdovers tapos pag tinignan mo yung minutes noon, kaming apat, hindi kami masyadong ginagamit,” sabi ni Navarro, na bahagi ng 2019 squad na pumangatlo kasama sina Jerwyn Guinto, Yancy Remulla at Enoch Valdez.

“Basically, parang rookie kami lahat. Kaya medyo mahirap kasi dati, ilang minutes lang maganda laruin mo okay na, sina Marcelino (Jaycee and Jayvee) na ang bahala, sina (Reymar) Caduyac at Mike Harry (Nzeusseu). Pero ngayon, wala eh, kami na talaga yung maasahan,” aniya.

Sa pagkatalo ng Chiefs ay nasayang ang ikalimang double-double ni Justin Arana ngayong season. Umiskor ang graduating slotman ng 17 points at humugot ng 24 rebounds, na siyang pinakamarami magmula nang kumuha si Allwell Oraeme ng 25 boards sa 90-75 panalo ng Mapua laban sa LPU noong August 23, 2016.

Nagpakawala si Navarro ng lahat ng kanyang 10 points sa final period.

“He is one of our generals, so kumbaga binigay na namin sa kanya yung game,” sabi ni Pirates coach Gilbert Malabanan ukol kay Navarro.

Nagsalansan si Valdez ng 17 points at limang rebounds habang nagdagdag si McLaude Guadaña ng 12 markers, apat na boards at dalawang assists para sa LPU.

Iskor:

Unang laro

LPU (70) — Valdez 17, Guadaña 12, Navarro 10, Umali 6, Barba 5, Cunanan 5, Guinto 5, Remulla 4, Bravo 4, Larupay 2, Silvarez 0, Garro 0, Jabel 0.

Arellano (66) — Arana 17, Sta. Ana 14, Cruz 12, Sablan 10, Oliva 6, Doromal 5, Carandang 2, Talampas 0, Caballero 0, Uri 0.

Quarterscores: 14-21, 29-39, 48-49, 70-66

Ikalawang laro

CSB (71) — Gozum 18, Nayve 17, Corteza 10, Carlos 9, Benson 9, Cullar 4, Flores 3, Marcos 1, Davis 0, Sangco 0, Lepalam 0, Mosqueda 0, Publico 0.

SSC-R (62) — Calma 25, Calahat 8, Villapando 6, Cosari 6, Altamirano 5, Dela Cruz 5, Desoyo 3, Abarquez 2, Shanoda 2, Are 0, Felebrico 0, Concha 0.

Quarterscores: 12-12, 26-28, 50-50, 71-62.