BBM-Sara

BBM-Sara UniTeam: Tiyakin maayos na pagtatapon ng hazardous waste

527 Views

NANAWAGAN sina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at running-mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa lahat ng kinauukulang tanggapan at ahensiya na tiyakin ang tamang disposal sa lahat ng mga ‘hazardous waste’ upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at mapigilan ang pagkalat ng Covid19.

Reaksiyon ito ng BBM-Sara UniTeam hinggil sa lumabas na ulat kamakailan na 23 bata ang nagkasakit matapos maglaro malapit sa basurahan ng medical waste na hindi agad nakuha ng mga basurero sa Virac, Catanduanes.

“If we don’t dispose of medical wastes properly, there is a risk that communities living near the dumpsites will be exposed to viruses and other pathogenic microorganisms, such as what happened in Virac. It could trigger another surge of infections,” anang UniTeam.

Mismong World Health Organization (WHO) ang nagbigay babala hinggil sa mga basurang mula sa ospital na malaki ang banta sa kalusugan hindi lang ng mga tao kundi pati na rin sa kapaligiran.

Tone-toneladang hazardous waste ang pinangangambahang napapabayaan ngayon sa maraming lugar sa bansa dahil na rin sa maling sistema ng medical waste management.

Ang ganitong uri ng problema ay matagal nang pinag-uuspan sa buong mundo kahit na wala pang pandemya.

Sa datos ng WHO noong 2019, isa sa tatlong healthcare facility sa buong mundo ang walang maayos na healthcare waste disposal system.

Sa mga mahihirap na bansa, dalawa sa tatlong ospital ang wala ring healthcare waste management service.

Dahil dito, tiniyak ng UniTeam na prayoridad nila ang pagpapalakas sa programang pangkalusugan, na ilalakip nila sa isyu ng climate change sakaling manalo sila sa darating na May 9 elections.

“Isa sa mga tututukan namin ay ang pagresolba sa climate change, which is a global problem. Towards this end, improving our waste management program is included in our plan of action because poor waste management contributes to climate change and pollution,” sabi nila.

“Ang problema sa basura ay isa sa mga suliraning matagal nang kinakaharap ng ating bansa. Our environment is begging to be rescued from the snares of imminent destruction,” anang BBM-Sara UniTeam.

Si Marcos ay matagal nang may adbokasiya tungkol sa pangkalusugan at kapaligiran.