Rubio

BOC pinuri ng Nike sa kampanya laban sa pekeng produkto

163 Views

PINURI ng Nike Asia Pacific ang Bureau of Customs (BOC) sa kampanya nito laban sa mga pekeng produkto.

Nag-courtesy call ang mga kinatawan ng Nike Asia Pacific kay BOC-Intelligence Group (BOC-IG) Deputy Commissioner Juvymax Uy at kinilala ang kampanya ng ahensya laban sa mga counterfeit footwear.

Pinag-ibayo ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kampanya laban sa mga pekeng produkto.

Sinalakay ng BOC kamakailan ang ilang warehouse sa Maynila at Malabon at nakukumpiska ng bilyong halaga ng pekeng produkto kasama na ang mga sapatos na may tatak na Nike.

“These counterfeit products do not have the required documentations, and they endanger the safety of those who use them,” sabi ni Commissioner Rubio.

“As the BOC remains vigilant against these IPR-infringing goods, we also encourage the public against purchasing or supporting these goods,” dagdag pa ng lider ng BOC.