Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Boga, bala nasamsam sa lalaki
Bernard Galang
Jun 29, 2026
237
Views
TARLAC CITY – Naaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaki at nakuha sa pag-aari nito ang halu-halong high-powered firearms, magazines at daan-daang bala sa La Paz dito.
Nakilala ang suspek na si alyas “Bastian” na naaresto ng mga pulis ng CIDG Tarlac Provincial Field Unit sa pamumuno ni Lt. Col. Arvin Hosmillo.
Inaresto ang suspek sa tulong ng search warrant na na-issue ng Regional Trial Court Branch 111 ng Tarlac City dahil sa paglabag sa Republic Act 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakuha sa kanya ang 5.56 rifle, cal .40 M1911 pistol, 12-gauge shotgun, 14 firearm magazines, 346 rounds ng .40 cal ammunition at 48 live rounds.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

