BSP pinag-aaralan pag-alis sa bayad ng maliliit na fund transfer

140 Views

PINAG-AARALAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-alis sa bayad sa maliliit na fund transfer.

Sa ganitong paraan, sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na mas darami ang mga Pilipino na maeenganyo na gumamit ng digital banking.

Sinabi ni Medalla na ang P15 singil ng iba’t ibang bangko sa interbank transfer ay maituturing na malaki kung ang ipinadalang pera ay P200 lamang.

Pinag-aaralan na umano ng mga bangko at payment system operators ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga maliliit na transaksyon.