BOC

Buwis sa imported na bigas lumobo—BOC

200 Views

NAKAKOLEKTA na ang Bureau of Customs (BOC) ng P8.35 bilyon mula sa buwis ng imported na bigas sa unang limang buwan ng 2022.

Ito ay 14 porsyento na mas malaki sa P7.32 bilyon na nakolekta mula Enero hanggang Mayo 2021, batay sa datos ng Department of Finance (DOF).

Sa unang limang buwan ay 1.43 milyong metriko tonelada ng imported na bigas ang pumasok na sa bansa. Ito ay 36.9 porsyento na mas malaki sa 1.04 milyong metriko tonelada ng bigas na ipinasok sa kaparehong mga buwan noong nakaraang taon.

Matatandaan na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law noong Marso 2022 kung saan wala ng limitasyon sa pagpasok ng imported na bigas mula sa mga bansa sa Southeast Asia bagamat kailangang kumuha ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry.

Ang imported na buwis ay pinapatawan ng 35 porsyentong buwis.

Sa ilalim ng batas, P10 bilyon sa nakolektang buwis ay mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na ginagamit na pangsuporta sa mga lokal na magsasaka.