Mpox

Cabanatuan may 4 na kaso ng mpox

Steve A. Gosuico Jun 6, 2025
18 Views

CABANATUAN CITY— Apat na hinihinalang kaso ng mpox (monkey pox) ang binabantayan ng Nueva Ecija provincial health office, ayon sa ulat.

Tatlo sa mga hinihinalang kaso ay mula sa lungsod na ito. Isang siyam na anyos na bata at dalawang nasa hustong gulang ang dalawa pang pasyente.

Ang isa pang pasyente ay isang 48-anyos na mula sa San Jose City.

Kasalukuyang nasa home isolation ang apat habang hinihintay ang resulta ng kanilang confirmatory test.

Sinabi ni Dr. Christian M. Salazar, NE-PHO officer-in-charge, na ang apat na pasyente ay nagsimulang makaranas ng mga sintomas noong nakaraang linggo ng Mayo.

Kasama sa mga sintomas ng mpox ang lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, pananakit ng lalamunan at pantal sa mukha, kamay, paa, katawan, mata o bahagi ng ari.

Karaniwang tumatagal ang mga sintomas ng dalawa hanggang apat na linggo.

Apat na kumpirmadong kaso ng Mpox ang naitala sa lalawigan mula noong Marso.
Noong Hunyo 5, 2025, walang aktibong kumpirmadong kaso ng mpox sa Nueva Ecija, ayon sa NE-PHO.

Isang isolation facility na may 24 na silid ang naitayo sa Palayan City at isang Task Force Mpox ang nabuo sa pamumuno ni Gov. Aurelio M. Umali.

Ang mpox impeksyon ay nakukuha sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit ng balat sa balat lalo na kung may sugat o pantal.