Cacdac

Cacdac binati sa kompirmasyon bilang Kalihim ng DMW

Mar Rodriguez Aug 21, 2024
81 Views

๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—”๐—•๐—ข๐—ง ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐——๐— ๐—ช) ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ. ๐—›๐—ฎ๐—ป๐˜€ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฐ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฐ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ.

Ayon kay Magsino, bilang Officer-in-charge ng DMW, nakita nito kung papaano pinangasiwaan ni Cacdac ang DMW partikular na ang pagtutok at pag-asikaso nito sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sabi pa ni Magsino na hindi lamang kinilala ni Cacdac ang legacy na iniwan ni yumaong DMW Sec. Toots Ople para sa ahensiya. Ipinagpatuloy pa ng Kalihim ang mga inisyatibang iniwan ni Ople sa DMW.

Kasunod aniya nito ang pagpapatupad o implementasyon na ginawa ni Cacdac sa mga “policy reforms” na isinulong ni Ople para sa DMW na naglalayong mas lalo pang palakasin at paigtingin ang mga programa ng DMW para sa mga OFWs.

“The OFW Party List congratulates Secretary Hans Cacdac for his confirmation as full-fledged Secretary of DMW. We have seen how he has ably led the agency especially our Migrant Workers Offices all over the world. He not only honored the legacy of Sec. Toots Ople by continuing her initiatives but also implemented policy reforms,” ani Magsino.

Samantala, inihayag ni Magsino ang matagumpay na pagbubukas ng Piyestang Camaru na ginanap sa Magalang Town Hall sa Pampanga. Kung saan, nakiisa ang kongresista sa mga masasayang aktibidad sa pagdaraos ng naturang Kapistahan.

Paliwanag ng OFW Party List Lady solon na binibigyang diin at halaga sa ginanap na okasyon ang mayamang kultura ay kasaysayan ng Magalang. Kasunod ang pagpapakita sa Piyestang Camary na isang lokal na sining, tradisyon, mga atraksiyon at aktibidad na nagbibigay umano ng kasiyahan para sa mga residente ng lalawigan at bayan ng Magalang.

“Lubos ang aming pasasalamat para sa mga taong nagtaguyod ng selebrasyon na ito. Lalo na sa mahal na Punong Bayan ng Magalang, Pampanga na si Mayor Malu Paras-Lacson,” sabi pa ni Magsino.