OFW Partylist

Magsino nakipagpulong sa mga taga-CHED at UNILAB foundation

Mar Rodriguez Aug 23, 2024
36 Views

š——š—”š—›š—œš—Ÿ š˜€š—® š—»š—®š—øš—®š—øš—®š—Æš—®š—µš—®š—¹š—®š—»š—“”š—ŗš—²š—»š˜š—®š—¹ š—µš—²š—®š—¹š˜š—µ š—¶š˜€š˜€š˜‚š—²s” š˜€š—® š—µš—®š—»š—®š˜† š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—¢š˜ƒš—²š—暝˜€š—²š—®š˜€ š—™š—¶š—¹š—¶š—½š—¶š—»š—¼ š—Ŗš—¼š—暝—øš—²š—暝˜€ (š—¢š—™š—Ŗš˜€), nš—®š—øš—¶š—½š—®š—“-š—½š˜‚š—¹š—¼š—»š—“ š˜€š—¶ š—¢š—™š—Ŗ š—£š—®š—暝˜š˜† š—Ÿš—¶š˜€š˜ š—–š—¼š—»š—“. š— š—®š—暝—¶š˜€š˜€š—® “š——š—²š—¹ š— š—®š—æ” š—£. š— š—®š—“š˜€š—¶š—»š—¼ š˜€š—® š—ŗš—“š—® š—¼š—½š—¶š˜€š˜†š—®š—¹ š—»š—“ š—–š—¼š—ŗš—ŗš—¶š˜€š˜€š—¶š—¼š—» š—¼š—» š—›š—¶š—“š—µš—²š—æ š—˜š—±š˜‚š—°š—®š˜š—¶š—¼š—» (š—–š—›š—˜š——) š—®š˜ š—Øš—”š—œš—Ÿš—”š—• š—™š—¼š˜‚š—»š—±š—®š˜š—¶š—¼š—» š˜‚š—½š—®š—»š—“ š—½š—®š—¹š—®š—øš—®š˜€š—¶š—» š—®š˜ š—½š—®š—¶š—“š˜š—¶š—»š—“š—¶š—» š—®š—»š—“ “š—ŗš—²š—»š˜š—®š—¹ š—µš—²š—®š—¹š˜š—µ š˜€š˜‚š—½š—½š—¼š—暝˜” š—½š—®š—暝—® š˜€š—® š—½š—®š—ŗš—¶š—¹š˜†š—® š—½š—®š—暝˜š—¶š—øš˜‚š—¹š—®š—æ š—»š—® š˜€š—® š—ŗš—“š—® š—®š—»š—®š—ø š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—¢š—™š—Ŗš˜€.

Ayon kay Magsino, ang talakayan ay sumentro at tumuon sa implementasyon ng training program para sa “RACE Against Suicide” at Children and Adolescents Risk Screener (CARS) na naglalayong magabayan ang anak ng mga OFWs.

Paliwanag ni Magsino na sa ilalim ng nasabing programa. Ang mga guro, guidance counsellors at iba pang school personnel ang magiging pangunahing trainees para makatulong sa tinatawag na “well-being” ng mga kabataan lalo na ang mga estudyante na dumaranas ng mental health problem.

Pagdidiin pa ni Magsino na pinag-usapan sa ginanap na pagpupulong ang kahalagahan ng mental health literacy upang maging bukas aniya ang mga paaralan at komunidad sa isyu ng mental health at ang agarang pagtulong sa panig ng mga kabataan na mayroong pangangailangan lalo na ang anak ng mga OFWs na dumaras bg stress bunsod ng pagkakawalay ng kanilang magulang upang magtrababo sa ibang bansa.

“Kailangan talagang pag-usapan ang usapin ng mental health sapagkat ang problemang ito ay talagang nakakabahala. Kaya bilang kinatawan ng OFW Party List. Tayo ay kumilos na para makaroon ng solusyon ang problemang ito lalo na sa mga anak ng ating mga OFWs,” sabi ni Magsino.

To God be the Glory