PCAP

Camarines chessers nagpasiklab

Ed Andaya Mar 2, 2023
315 Views

PATULOY sa pananalasa ang Camarines-Iriga City Soaring Eagles sa 2023 PCAP All-Filipino Conference.

Sa pamumuno nina Samson Lim at NM Ronald Llavanes, ang Camarines-Iriga ay nagtala ng dalawa pang panalo laban sa Cebu Machers, 18-3, at Mindoro Tamaraws, 14.5-6.5, upang manguna sa
Southern Division.

Winalis ni Lim si Aldwin Daculan ng Cebu, 3-0, at FM Julius Joseph de Ramos ng Mindoro, 2-1, habang tinalo ni Llavanes si Reynaldo Flores ng Cebu, 3-0, at tumabla kay AGM Nezil Arj Merilles of Mindoro, 1.5-2-1.5, upang ihatid ang Eagles sa kanilang ika-limang dikit na panalo sa prestihiyosong kumpetisyon na itinataguyod ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).

Wagi din para sa Camarines-Iriga sina Coellier Graspela laban kay Ariel Potot ng Cebu, 3-0, at Alvin de la Cruz ng Mindoro, 2-1; Isabel Palobin laban kay.Judy Ann Mesias ng Cebu, 3-0, at AFM Cylliz Kaessa Meriles, 2.5-.5, sa female board; Recarte Tiauzon laban Randy Cabungcal ng Cebu, 3-0, at NM Glenen Artuz laban kay AGM Joselito Asi, 2.5-.5.

Ang kambal na panalo ng Camarines- Iriga ay kasunod ng mga naunang pagwawagi laban sa Surigao Fianchetto Checkmates, 11-10, sa first round nung Feb. 18; Zamboanga Sultans, 10.5-105 (2-1 sa Armageddon) sa second round, at Tacloban Vikings, 14.5-6.5, sa third round nung Feb. 22.

Ang naturang 5-0 start ng Eagles ay nagpa-alala sa kanilang maganda ding simula sa 2021 PCAP All-Filipino, na kung saan ang GM Mark Paragua-led team ay humarurot sa 7-0 tungo sa titulo ng Southern Division at title duel sa eventual champion Laguna Heroes.

“We’re happy with the tem’s perfomance right now. Sana magtuloy-tuloy na uli ito,” pahayag ni Engr. Jojo Buenaventura, na nagma-may-ari ng team kasama ni Fiscal Robert Jocom.

Kasalo ng Camarines sa limelight ng kumpetisyon na sinusuportahan din ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx ang Negros Kingsmen at Toledo Trojans, na kapwa ding may tig limang panalo.

Itinumba ng Negros ang Iloilo Kisela Knights, 15-6, at Zambonga Sultans,17-4, habang pinabagsak ng Toledo ang Davao Eagles, 11.5-9.5, at Iloilo Kisela Knights, 14-7.

Nagbida para sa Negros sina FM David Elorta, NM Edsel Montoya, WIM Bernadette Galas at GM Rogelio Antonio, Jr.

Samantala, sumandal ang Toledo sa mahusay na paglalaro nina Bon Rainauld Tibod, WIM Beverly Mendoza at IM Rico Mascarinas.

Ang PCAP, ang kauna-unahang professional chess league sa bansa, ay pinamamahalaan nina President- Commissioner Atty. Paul Elauria, at Chairman Michael Angelo Chua.

Ang tournament ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Atty. Richard Clarin, at suportado ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), sa pamumuno niPresident-Chairman Prospero “Butch” Pichay.

Standings

North — Laguna 5-0; San Juan 4-1; Cagayan 3-2, Pasig 3-2; Mandaluyong 2-3,
Cavite 2-3, Isabela 2-3, Manila 2-3,
Rizal 2-3; Quezon City 0-5.

South — Negros 5-0, Toledo 5-0, Camarines-Iriga 5-0; Iloilo 3-2; Davao 2-3, Surigao 2-3,Tacloban 2-3; Zamboanga 1-4;
Cebu 0-5, Mindoro 0-5.