CAMP

CAMP bubup ng estratehikong roadmap para sa Pilipinas

Jun I Legaspi Mar 31, 2025
36 Views

NAKATAKDANG isulong ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang civil aviation industry sa bansa sa ikalawang misyon ng European Union Aviation Safety Agency (EASA) sa Pilipinas sa March 31 at April 2-3, 2025, para sa pagbuo ng Civil Aviation Master Plan (CAMP).

Ang CAMP ay isang inisyatiba na naglalayong bumuo ng isang estratehikong roadmap para sa Pilipinas upang itaguyod ang mas konektado, mas napapanatili, at mas matatag na industriya ng civil aviation.

Sa ilalim ng EU-ASEAN Sustainable Connectivity Package – Aviation Partnership Project (SCOPE APP) na pinondohan ng European Union (EU), walong eksperto mula sa EU ang magbabahagi ng kanilang kaalaman upang matiyak na ang Philippine CAMP ay naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan.

Matapos ang matagumpay na paunang pagpupulong at bilateral sessions noong Enero, ang nalalapit na talakayan sa Citadines Bay City Manila ay magtutuon sa presentasyon ng EASA at pagtanggap ng feedback sa mga paunang resulta ng proyekto, kabilang ang pagsusuri ng kasalukuyang sitwasyon, benchmarking study, at mga estratehikong patnubay para sa Philippine CAMP development.

Sa loob ng tatlong araw, magkakaroon ng mga pagsasanay at focus group discussions ukol sa mahahalagang aspeto ng CAMP, kabilang ang Airport Master Plans, Airspace Regulation and Operations, Aviation-Related Training, Areas for Investment, Environmental Concerns, and the National Aviation Safety Plan (NASP), at iba pa.

Makikilahok din sa mga talakayan ang mga pangunahing stakeholder gaya ng mga airline, airport authorities, air at cargo operators, at mga ahensya ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito para sa pagbuo ng CAMP, lalo pang mapapalakas ng CAAP ang pagbuo ng isang komprehensibong master plan na magtitiyak ng mas ligtas, mas maayos, at mas luntiang himpapawid sa Pilipinas.