Vargas panalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Lalaki tiklo sa vote-buying
May 15, 2025
Calendar

Provincial
Carnap suspek nasakote
Steve A. Gosuico
Jan 26, 2025
153
Views
SAN JOSE CITY–Nasakote ng pulisya ang isang pinaghihinalaang carnapper noong Sabado.
Hinuli ng mga warrant operatives batay sa warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) si alyas Papay, ayon sa report.
Natiklo ang suspek sa tulong ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 39 na pirmado ni Judge Cynthia Martinez-Florendo.
May inirekomendang P300,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Pinuri ni Nueva Ecija police chief Col. Ferdinand Germino ang mga pulis dahil sa pagkakadakip sa suspek.
“Hindi namin maaaring payagang malayang gumala ang mga wanted na kriminal sa aming mga komunidad,” sabi ni Germino.
Lalaki tiklo sa vote-buying
May 15, 2025
Boodle fight ginanap sa Jaen
May 15, 2025
Mga bagong congressman sa NE iprinoklama na
May 15, 2025
Rep. Luistro nanalo sa ikalawang termino
May 15, 2025
Lalaki nalunod sa Laiya
May 15, 2025