BBM

CARS program ng Mitsubishi binabantayan ng Marcos admin

218 Views

Masusi umanong binabantayan ng administrasyong Marcos ang pagpapalawig ng Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program ng Mitsubishi Motors Corporation.

Sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Mitsubishi sa Japan, sinabi ni Pangulong Marcos na hinihikayat ng kanyang mga administrasyon ang mga kompanya na magtayo ng high-end manufacturing operation sa Pilipinas.

“It is something that would be important to the Philippines because we are trying to encourage now… both for local businesses and businesses from other countries and businesses from Japan… we are trying to encourage this capital investment to improve the share of manufacturing contribution to the GDP (gross domestic product),” sabi ni Pangulong Marcos.

Sa kasalukuyan, sinabi ng Pangulo na ang services ang mayorya ng nagbibigay ng kontribusyon sa GDP at nais ng gobyerno na mabalanse ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng manufacturing sector.

Ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) at Toyota Motor Philippines (TMP) ay kapwa naka-enroll sa CARS program na nag-aalok ng insentibo sa mga manufacturer na nais na magtayo ng planta ng pagawaan ng mass-market vehicle.

Sa ilalim ng programa, ang mga lalahok na kompanya ay dapat makabuo ng 200,000 unit ng sasakyan para makakuha ng insentibo.