Cashless payment sa PUV itinulak ng DOTr

109 Views

ITINULAK ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless payment ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Sinubukan ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang paggamit ng TRIPKO card sa pagbabayad ng pamasahe sa bus na sinakyan nito sa One Ayala Terminal sa Makati City.

Ang kompanyang Journey Tech ay nagtayo ng booth kung saan maaaring magpa-load ng TRIPKO card sa terminal.

Upang magkaroon ng libreng TRIPKO card, ang pasahero ay kailangang maglagay ng P100 load na magagamit bilang pamasahe sa pagsakay sa mga public utility bus at modernized jeepneys.

Ang card ay maaaring palagyan ng load kapag naubos o hindi na kasya ang laman sa babayarang pamasahe.

Nasa 1.5 milyong TRIPKO card na ang naipamigay sa iba’t ibang ruta ng PUV sa Manila, Batangas, Sta. Rosa sa Laguna, Alabang, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Lawton, Cebu, Tacloban, at Davao