De Vera

CHED pinuri transnational partnership ng Miriam, Canadian school

Arlene Rivera Jul 9, 2023
164 Views

Pinuri ng Commission on Higher and Technical Education (CHED) ang transnational partnership sa pagitan ng Miriam College at Camosun College sa Victoria, British Columbia, Canada.

Ang Memorandum of Agreement (MOA) ay nilagdaan nina Miriam College Vice President for Academic Affairs Trixie Marie Sison at Camosun College Director Christiaan Bernard at sinaksihan ni CHED Chairman Popoy De Vera sa isang simpleng seremonya sa Victoria, British Columbia.

Sa pamamagitan ng partnership, sinabi ni De Vera na mas marami ng Pilipino ang maaaring kumuha ng undergraduate program, internships, at cultural studies sa Camosun College.

Sinabi ni De Vera na ang ginawa ng dalawang paaralan ay maaaring maging modelo ng iba pang Higher Education Institution (HEI) sa bansa at sa Canada.

“This signing ceremony represents only the beginning of a transformative partnership rooted in a common goal to enhance colleges in both the Philippines and Canada,” ani De Vera.

Ang Miriam College ay mayroon ding transnational partnership sa Goldsmiths University of London.