Choco Mucho Nagdiwang sina Bea de Leon at mga kasama matapos manalo ang Choco Mucho laban sa Black Mamba-Army. PVL photo

Choco Mucho winalis ang Black Mamba

Theodore Jurado Mar 18, 2022
367 Views

NAGPADALA ng maagang mensahe ang Choco Mucho, na ibinandera ang kanilang upgraded roster, para sa hangaring makuha ang PVL Open Conference championship aspirations matapos ang 25-13, 25-11, 25-23 pagwalis sa Black Mamba-Army kahapon sa Paco Arena.

Makaraang dominahin ang unang dalawang sets, napalaban ang Flying Titans ang Lady Troopers bago kumana si Cait Viray ng go-ahead kill na bumasag sa 23-23 pagtatabla at nakaiskor si

Deanna Wong ng well-placed shot na siyang nagsara ng isang oras at 22 minuto ng laro.

“The tournament is short and every game is must-win. We will take it one game at a time. So habang tumatagal ang tournament, humihirap yung labanan eh,” sabi ni coach Oliver Almadro matapos na malusutan ng Choco Mucho ang Group B opener.

Nanguna si Kat Tolentino para sa Flying Titans na may 11 points bago umupo sa third set habang nagbigat setter Wong ng 22 excellent sets.

Nagtala si Ponggay Gaston, na umupo naman sa second set, ng walong puntos at siyam na digs, habang umiskor si substitute Viray ng lahat maliban sa isa sa kanyang pitong puntos mula sa spikes.

Humugot ng malalim mula sa kanyang loaded line-up na siya sanang magbibigay ng magandang laban sa mga tulad ng Chery Tiggo at Creamline, nagagalak si Almadro at nag-deliver ang kanyang tropa.

“Good thing naman sa team ko, they are open to their roles, no matter what. Short or long ang playing time, they know what their roles. Sabi ko sa kanila, whoever we picked, when your number is called, dapat you are ready to deliver. Good thing we are working as a team,” sabi ni Almadro.

“Sabi nga we are a diverse team but we are one team. Ang importante, yung character, yung passion sa volleyball, iisa. Ang mindset nila, to help each other and to fight each other, and to win,” aniya.

Nagresponde ang mga bagong recruits na sina Desiree Cheng at Isa Molde ng anim at limang puntos, ayon sa pagkakasunod.

Isa pang off-season acquisition, Cherry Nunag, na siyang pumunan kay Maddie Madayag na patuloy na nagre-recover sa ACL injury na natamo sa third place game laban sa PetroGazz noong nakaraang taon, ay umiskor ng dalawa sa kanyang limang puntos mula sa service zone para sa Choco Mucho.

Haharapin ng Flying Titans ang Crossovers sa rematch ng semis nitong nakalipas na season bukas, na siyang unang major test ng koponan.

Nagposte sina Audrey Paran at Nette Villareal ng tig-pitong puntos para sa Army, na bumagsak sa ilalim ng five-team Group A na may 0-2 record.

Mga laro bukas

(Paco Arena)

3 n.h. – Cignal vs F2 Logistics

6 n.g. – Chery Tiggo vs Choco Mucho