Pic Kinakausap at nagbibigay-pugay si Christopher Thoms ‘Tope’ G. Ilagan sa ilang senior citizens ng District 1 sa Marikina City sa kanyang pag-iikot sa distrito upang ilahad ang kanyang mga adhikain sakaling mahalal na Konsehal ng Marikina City District 1 sa darating na Mayo 12. Photo courtesy ng Tope Ilagan supporters

Christopher ‘Tope’ Ilagan lalabanan ang droga, korapsyon, fake news

44 Views

Pic1Pic2NO to drugs. No to corruption. No to fake news sa Marikina City.

Ito ang isa sa magiging laban ni Christopher Thoms ‘Tope’ G. Ilagan sa sandaling iluklok siya sa puwesto bilang konsehal ng District 1 ng Marikina sa darating na Mayo a-Dose.

Bilang bagong boses ng mga Marikeño na kilalang lubos na nagmamahal at gumagalang sa mga senior citizens ng Marikina, naniniwala si Ilagan na ang droga, korapsiyon at fake news ang lubos na sumisira sa pangarap ng bawa’t Pilipino na makitang ganap na maunlad ang ating bansa kaya ito rin ang lubos niyang lalabanan para sa kapakanan ng mga taga-Distrito Uno ng siyudad.

Ganap din ang paniniwala ng 39-anyos na independent candidate para sa Konsehal ng District 1 ng Marikina City na dapat maging patas ang batas sa lahat, mayaman man o mahirap, bata man o may edad na.

“Tayo po ay naninindigan na ang lahat ng taga-Marikina, mayaman man o mahirap ay may karapatan sa lahat ng bagay na naaayon sa batas lalo na ang karapatang umangat din sa buhay,” sinabi ng batang kandidato.

Ayon sa kanya, ang mga senior citizens at mga karaniwang tao sa Marikina tulad ng mga drivers ng jeep, tricycle at iba pang pampasaherong sasakyan, mga barbero, parlorista, naglilinis ng kalsada, nagtitinda sa palengke, mga construction workers, mga taong Simbahan at mga empleyado ng gobyerno at pribadong kumpanya ay nararapat din na makatanggap ng sapat na tulong at benepisyo mula sa pamahalaan.

Kilala sa pagiging isang negosyanteng tapat at may integridad, sinabi ni Tope Ilagan na taga-Barangay Tañong na bilang may isang tunay na malasakit sa mga taga-Marikina, ganap niyang nauunawaan ang mga hamon na kinakaharap ng taxpayers, manggagawa at maliliit na negosyante sa siyudad.

Dahil dito, layunin niya na dalhin ang mga pribadong kumpanya sa Marikina upang makalikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho at mapalakas ang lokal na ekonomiya, gamit ang kanyang malawak na koneksiyon sa private and public sectors.

Ang mga pangunahing plataporma ni Tope Ilagan ay ang mga sumusunod: 

Edukasyon — Libreng scholarship, skills training at livelihood programs para makapagbigay ng mas magandang kinabukasan sa mga Marikeño;

Trabaho — Pagpapasok ng mga pribadong kumpanya sa Marikina upang lumikha ng mas maraming hanapbuhay;

🌱 Pagtatanim ng Pag-asa – Hindi lang panandaliang ayuda kundi pangmatagalang solusyon—paaralan na may de-kalidad na edukasyon, mas mataas na sahod, at mas mahuhusay na kasanayan sa trabaho upang mabigyan ng armas ang mga pamilya para lumaban sa hamon ng buhay at;

Pagbibigay ng Karapatan at Oportunidad sa Bawat Marikeño – Naniniwala si Tope Ilagan na ang kaunlaran ng isang lungsod ay hindi dapat nakasalalay lamang sa iilang tao, kundi sa sama-samang pagsisikap ng buong komunidad.

Ayon kay Tope Ilagan, nararapat na ang bawat mamamayan ay may karapatang makinabang sa maayos na serbisyo, trabaho, at oportunidad ang mga pagbabagong ito ay lubusang makakamit sa pagtutulungan ng pamahalaan ng siyudad at ng mga mamamayan nito.

Naniniwala ang maraming mga taga-District 1 ng Marikina City na sa kauna-unahang pagkakataon, isang independent candidate sa katauhan ni Tope Ilagan ang may kakayahan at mga platapormang isinusulong para sa kapakanan ng mga taga-Distrito, unang-una na ang mga mahihirap.

Sinabi ni Tope Ilagan na dapat ding ituon ang pansin sa pagtulong sa mga mahihirap na Marikeño. Malaki din ang kanyang paniniwala na ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at mas maayos na trabaho sa mga taga-District 1 ng Marikina ang susi sa pagbuo ng mas matibay na kinabukasan para sa Marikeño.

“Hindi lang ito panandaliang tulong kundi panghabang-buhay na oportunidad para sa mas magandang bukas,” ayon kay Ilagan na tumatakbo bilang Independiyente at walang Partido na dapat tanawan ng utang na loob.