Dy

Committee on Tourism suportado toursim dev’t sa Isabela

Mar Rodriguez Nov 29, 2022
139 Views

SUPORTADO ng House Committee on Tourism ang panukalang batas na inihain ng isang Northern Luzon congressman sa Kamara de Representantes para maisulong ang “tourism development” sa kaniyang lalawigan matapos ang dalawang taong “health crisis” dulot ng COVID-19 pandemic.

Inaprubahan na sa Committee Level ang mga nakasalang na panukalang batas na inihain ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V na naglalayong magkaroon ng tourism development sa kanilang lalawigan kabilang na dito ang pagtatatag ng isang tourism council.

Sa pagdinig na isinagawa ng House Committee on Tourism, na pinamumunuan ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, tinatalakay dito ang mga inihaing panukalang batas ni Dy upang muling makabangon ang Isabela matapos ang dalawang health crisis.

Aminado si Dy na isa ang kaniyang lalawigan sa mga naapektuhan ng pandemiya. Dahil sa paglilimita sa mga dayuhan at local na turistang bumibista sa Isabela bunsod ng mga ipinatupad na restriction upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Nakapaloob sa House Bill No. 6072 na inihain ni Dy ang pagsusulong o promotion ng tourism industry sa kanilang lalawigan tulad ng ecological, cultural, historical significance at iba pa na makakatulong sa kabuhayan ng kaniyang mga kababayan.

Para naman kay Madrona, sinabi nito na nakahanda ang kaniyang Komite na suportahan ang lahat ng panukalang batas na makakatulong upang muling makabangon ang industriya ng turismo sa bansa.

“Lahat ng mga House Bill na makakatulong sa ating tourism industry ay susuportahan natin. Sapagkat ang Philippine tourism ay isa sa mga haligi ng ating ekonomiya,” sabi ni Madrona, Chairman ng Tourism Committee.