Villanueva

Cong. Bro. Eddie, naghain ng resolusyon para alamin pinaka-ugat ng mga pagbaha sa Pilipinas

Mar Rodriguez Aug 3, 2024
88 Views

𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗵𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 i𝗻𝗶𝗵𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗖𝗜𝗕𝗔𝗖 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗱𝘂𝗮𝗿𝗱𝗼 “𝗕𝗿𝗼. 𝗘𝗱𝗱𝗶𝗲” 𝗖. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗻𝘂𝗲𝘃𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘀𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝗯𝗮𝗯𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺𝗮.

Inihain ni Bro. Eddie ang House Resolution No. 1824 sa Kamara de Representantes na naglalayong magkaroon ng malalimang imbestigasyon patungkol sa mga ugat o dahilan ng mga pagbaha sa ilang bahagi ng bansa kasama na dito ang pagbubuo ng mga solusyon para resolbabin ang lumalalang problema ng mga pagbaha.

Ayon kay Villanueva, partikular na naramdaman ang nasabing problema (pagbaha) noong kasagsagan ng pananalanta ng supertyphoon Carina kung saan nakaranas ng napaka-teribleng pagbaha ang mga residente sa Metro Manila lalo na sa mga lugar gaya ng Quezon City, Marikina City, Maynila, Pasay City, San Juan City at Pasig City at iba pang mga lugar.

Dahil dito, binigyang diin ng kongresista na napa-importante o “urgent” na masimulan ang masusing pagsisiyasat ng Kamara patungkol sa usapin ng “flood control program” ng pamahalaan.

Sapagkat ayon kay Villanueva mistulang hindi epektibo ang naturang programa dahil nabigo parin itong tugunan o resolbahin ang paulit-ulit na suliranin ng mga pagbaha sa Metro Manila.

Paliwanag pa ni Villanueva, sa kabila ng tinatayang P1 bilyon kada araw ang ginagastos o ipinangtutustos para sa “flood mitigation program”. Subalit ipinahayag ni Bro. Eddie na mas lumalala pa ang mga pagbaha sa halip na maibsan.

Sabi din ni Bro. Eddie na sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Kongreso. Baka maaaring pag-aralan kung kinakailangan bang rebisahin ang flood control project ng gobyerno upang gawin itong mas epektibo para tuluyanh masolusyunan ang problema ng mga pagbaha.

” The national budget is replate with line item flood control projects spread to several agencies but we do now know if it is following hollistic masterplan. That is why there is an urgent need to evaluate and revise the approach and projects of the government’s flood control program to ensure that we hit the real cause of and right solution to the problem,” ayon kay Villanueva.