WHO

COVID-19 positivity rate sa NCR lumobo

246 Views

UMAKYAT sa 5.9 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) noong Hunyo 25, ayon sa OCTA Research.

Mas mataas ito sa 3.9 porsyento na naitala noong Hunyo 19 at lagpas sa less than 5 percent na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO).

Ang positivity rate ay ang dami ng mga taong nagpopositibo mula sa bilang ng mga nagpa-COVID-19 test.

Tumaas din umano ang positivity rate sa lalawigan ng Rizal na umabot sa 11.9 porsyento mula sa 6.3 porsyento; Laguna na nasa 7.5 porsyento mula sa 3.1 porsyento; at South Cotabato na nasa 7.4 porsyento mula sa 6.3 porsyento.

Ang Cavite ay nakapagtala naman ng 6 porsyento mula sa 3.6 porsyento.