Pic

CTSFI: Mga donasyon nagbibigay-buhay, pag-asa sa mga cancer patients

69 Views

Pic1

ANG mga may busilak na puso ang nagbibigay ng pinakamagandang regalo sa mga pasyente — purong pag-asa at tunay na lakas para gumaling.

Ganito mailalarawan ang mga tao sa likod ng Cancer Treatment and Support Foundation, Inc. (CTSFI), isang non-stock, non-profit organization na pinamumunuan ng mga medical professionals, volunteers, supporters, at partners na nagkakaisa sa layuning gawing abot-kamay para sa lahat ang cancer care.

Patuloy na lumalawak ang misyon ng CTSFI na mapabuti ang buhay ng mga pasyente. Kabilang na ngayon sa kanilang mga adbokasiya ang Pediatric Palliative Care (PPC).

Ang Pediatric Palliative Care ay espesyal na serbisyong medikal para sa mga batang may malubhang karamdaman. Nakatuon ito sa pagbibigay-ginhawa mula sa sintomas at stress dulot ng sakit.

Upang maipagpatuloy ang kanilang misyon, tumatanggap ang CTSFI ng mga donasyon sa anyong cash o in kind.

Ang mga donasyon ay ginagamit para sa lifesaving chemotherapy at medical assistance, masustansyang gatas at supplements para sa mga pasyente, laruan, aklat, at pagkain para sa mga batang nasa ospital, gayundin sa mga education at awareness campaign sa buong bansa.

Maaaring magpadala ng life-changing items o cash ang mga donor sa pamamagitan ng PayPal at DragonPay.

Ang mga donor sa Pilipinas ay maaaring magbigay sa pamamagitan ng DragonPay gamit ang local bank transfers, GCash, o over-the-counter options, habang ang mga international donor ay maaaring magbigay agad sa pamamagitan ng PayPal—mabilis, ligtas, at pinagkakatiwalaan sa buong mundo.

Para sa mga donasyon sa pamamagitan ng GCash, maaaring i-scan ng mga Good Samaritan ang QR code o hanapin ang pangalan ng foundation sa GCash app.

Maaari ring magbigay ng donasyon sa pamamagitan ng direktang bank transfer sa opisyal na accounts ng foundation.

Upang maiwasan ang impeksiyon at mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mga pasyente, mas nais ng CTSFI na direktang i-turn over sa kanila ang lahat ng donasyon.

Para sa mga item: mas mainam ang matitibay na laruan at walang matutulis o madaling mabasag na bahagi; ang mga aklat ay dapat akma para sa edad 0-18 taong gulang; lahat ng arts and crafts materials gaya ng crayons, glue, at paint ay dapat non-toxic; mas mainam ang mga bagong item na nasa packaging ngunit tinatanggap din ang mga maayos pang gamit na items.

Hindi tinatanggap ng CTSFI ang mga laruan na gawa sa glass, ceramic, brittle plastic o anumang madaling mabasag at maaaring magkaroon ng matutulis na bahagi, gayundin ang mga item na nagpo-promote ng marahas at agresibong pag-uugali tulad ng toy guns, knives, at video games, pati na rin ang mga sirang gamit at kulang ang piyesa.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng foundation at i-click ang CTSFI Donate Page, CTSFI Facebook Page, at CTSFI Support Page.

Mula nang maitatag ang CTSFI ilang dekada na ang nakararaan, hindi ito huminto sa misyon nitong tulungan ang mga pasyente sa pinakamahusay na paraan upang labanan at maiwasan ang cancer.

Nakatulong na ang foundation sa libu-libong cancer patients sa pamamagitan ng care, education, at awareness. Naniniwala ang organisasyon na bawat kabutihan ay nag-iiwan ng pangmatagalang epekto.

Lubos ding nagpapasalamat ang CTSFI sa National Children’s Hospital (NCH) sa pagtatatag nito ng maayos at organisadong PPC Center.

Ayon sa CTSFI, higit nitong mapalalakas ang partnership sa pagbibigay ng mahabagin at holistic care para sa mga bata at kanilang pamilya.

“We extend our sincere appreciation to our colleagues from the Philippine Children’s Medical Center for their visit and meaningful exchange. Together, we continue to strengthen PPC services for the children and families we serve,” ayon sa post ng foundation sa kanilang Facebook page.

Pinuri rin ng CTSFI ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa pagbisita nito sa PPC Center ng NCH bilang bahagi ng inisyatiba ng PhilHealth na bumuo ng standardized benefit packages para sa palliative at hospice care para sa pediatric at adult patients sa Pilipinas.

Ayon sa foundation, ang PPC ay isa na ngayon sa apat nitong pangunahing programa.

Nagbibigay rin ang CTSFI ng direktang suporta para sa mga batang lumalaban sa cancer at blood diseases.

Dahil nangangailangan ng malaking gastusin ang pagtulong sa mga pasyente ng cancer, naghahanap ang foundation ng mga donor na handang regular na magbahagi kahit maliit na halaga.

Nakikipag-ugnayan ang CTSFI sa mga hospital staff upang matiyak na mabilis at maayos na makarating ang mga donasyon sa mga nangangailangan.

“By sponsoring a child, you help ease the financial burden of treatment and give them a fighting chance at recovery. Every contribution means one less barrier to care,” ayon sa opisyal na website ng CTSFI.

Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hinihikayat ang publiko na ibahagi ang kanilang sobrang biyaya sa CTSFI.

“The purpose of the solicitation activity is to raise funds to support programs that help children complete chemotherapy, boost immunity and improve their quality of life for better treatment outcomes,” ayon sa bahagi ng authorization letter ng DSWD na ibinigay sa CTSFI.

“You don’t need to give big to make a difference. P300 can help provide meals during treatment; P500 can help boost the immune system; and P1,000 can support the medical needs of a patient. Kahit maliit na halaga, malaking tulong na sa isang pasyente. Sama-sama, nakakagawa tayo ng himala,” ayon sa CTSFI sa kanilang Facebook page.

Para sa mga katanungan at concerns, maaaring makontak ang CTSFI sa 09178303822 o sa info@the-cancer-foundation.org.