Kadiwa

DA nagbukas ng 20 KADIWA sa Pangulo stores sa buong bansa

Cory Martinez Oct 12, 2024
90 Views

DALAWAMPUNG bagong tindahan ng KADIWA ng Pangulo ang inilunsad ng Department of Agriculture (DA) noong Biyernes upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makabili ng mura at masustansyang pagkain.

Inilunsad ang mga naturang bagong tindahan kasunod ng paglagda ng Agribusiness Marketing Assistance Service, ang marketing arm ng DA, at ilang piling kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang mapabilis ang pagdagdag pa ng mga KADIWA ng Pangulo outlet sa buong bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve E. Velicaria-Guevarra, isinagawa ang hakbang upang maraming pang mga Pilipino ang makakabili ng murang pagkain.

“We also want our farmers and fisherfolk to get more value for their products, securing for them more income that will incentivize them to produce more.

This partnership demonstrates the Filipino “bayanihan” spirit where the government and private sector collaborate, a tie-up that is crucial in the implementation of government programs,” ani Guevarra.

Sinabi pa ni Guevarra, inatasan sila ni DA Secretary na magbukas ng KADIWA ng Pangulo center sa bawat bayan at siyudad sa bansa upang maibsan ang kahirapan na dinaranas ng ordinaryong consumer.

Ang mga cooperative-led na KADIWA ng Pangulo outlet inilunsad sa iba’t-ibang lokasyon sa Metro Manila at Calamba sa Laguna.

Ang mga kooperatiba na pinangungunahan ng Pantao Fisherfolks Consumers Cooperative at SRT Alcala Multi-purpose Cooperative magsusuplay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga consumer, kabilang na ang bigas na nagkakahalaga ng P43 kada kilo sa ilalim ng Rice-for-All program at ang P29 kada kilo ng bigas.

Plano din ng DA na magtayo pa ng 10 hanggang 15 bagong outlet kada buwan hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon at karagdagang outlet para sa 2025 sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Layunin ng DA na magtayo ng isang KADIWA store sa may 1,500 na munisipalidad upang ma-promote ang “farm-to-market” approach.

Ang bagong 20 na tindahan itinayo sa Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Navotas at Quezon City. Nilagay sa mga lugar ang mga ito na kung saan madaling mapuntahan ng mga residente.

Ang lokasyon ng mga naturang tindahan ng KADIWA ay ang mga sumusunod:

Ocean Fish – Brgy. 8, Caloocan

Brgy 28 Zone 3 Caloocan City – Site 1

Brgy 28 Zone 3 Caloocan City – Site 2

BFAR – Longos, Malabon City

Kalt Alles – NFPC-PFDA, NBBN, Navotas

18 Tuazon, Brgy. Potrero, Malabon

Kalt Alles – Potrero, Malabon

Sauyo, Quezon City

Brgy. Canlubang, Calamba,, Laguna Compound

Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong

Brgy Hulo Mandaluyong City

Brgy. Addition Hills-

BFCT Bagsakan, No. 1 Marcos Hiway, Marikina City

Brgy. Tanong, Marikina

Fortune Barangay Hall, Barangay Fortune, Marikina City

Concepcion Uno Barangay Hall, Concepcion Uno, Marikina City

Lot 12 Blk 4 R Thaddeus St. Marietta Romeo Village Brgy. Sta. Lucia Pasig City

No 4 Geronimo, Philand Drive, Brgy Pasong Tamo, QC

Zamora St. Cor A. Bonifacio, Brgy Sta. Lucia, Quezon City

Alley 4, Bulacan St., Brgy. Payatas B, Quezon City