Kape

DA nanawagan ng malawakang kolab para sa mas matatag na coffee industry

Cory Martinez Nov 2, 2024
74 Views

NANAWAGAN si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pribadong sektor at sa mga farmers’ cooperative ng malawakang kolaborasyon para sa pagbuo ng matatag na coffee industry sa Mindanao partikular na sa gitna ng mga hamon dulot ng climate change at pagpapa-igting ng local competitiveness.

Sa kanyang pagbisita sa Northern Mindanao Agricultural Crops and Livestock Research Complex, sa Malaybalay, Bukidnon, binigyang-diin ni Tiu Laurel ang pagyakap sa kolaborasyon para sa sama-samang aksyon upang mapa-igting ang katatagan ng mga magsasaka at ang kahalagahan ng dagdag na kita.

“ This approach must define and characterize our united front in addressing current challenges and also to take advantage of increasing local market demand for coffee,” ani Tiu Laurel.

Ayon pa sa kalihim, sa pamamagitan ng epektibong kolaborasyon, maaari nang malampasan ang matinding pinsala dulot ng bagyong Kristine at mapatatag ang kakayahan ng Mindanao bilang food basket sa katimugang bahagi ng bansa.

“Neither the government nor the private sector, acting separately, will be effective in addressing challenges caused by climate change and we need to rise above issues that can further dampen local supply. We must rely on partnerships among multiple stakeholders to establish resilient and sustainable coffee value chains that support local growers as we aim to shape a better future in this new milieu,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Tinukoy ni Tiu Laurel na ang kolaborasyon sa pagitan ng mga magsasaka, ang Nestlé, German Federal Ministry, local government agricultural offices, ang High-Value Crops Development Program ng DA at iba pang ahensya sa pamamagitan ng Mindanao Coffee Robusta Project ng DA ay nagresulta sa pagdoble ng mga coffee community sa
Bukidnon at Sultan Kudarat, na umaabot na ngayon ng 3,000 na komunidad.

“This collaboration has resulted in better bean quality and an increased average yield of up to 0.8 metric tons per hectare, up from a low of 0.3 metric tons. Consequently, farmers’ incomes have risen by 35 percent or more in some areas,” ani Tiu Laurel.

Layunin ng naturang coffee project na madagdagan ang produksyon ng kape sa dalawang metriko tonelada kada ektarya, na maaaring mahigitan pa ang Vietnam sa produksyon ng kape sa taong 2025.

Sa naturang pagbisita ni Tiu Laurel, nagpamahagi din siya ng halagang P6.5 milyon na tulong kabilang na ang fertilizer at pondo para sa pagtayo ng mga coffee center sa 16 na farmer group na kalahok sa Mindanao Coffee Robusta Project.

Nagpasalamat din si Tiu Laurel sa mga magsasaka ng kape sa Mindanao sa kanilang katatagan at pangako na tumulong sa suporta na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga tinuturing na “tunay na unsung heroes” ng industriya ng kape sa bansa.

Ayon sa Philippine Coffee Board, nagproduce ang bansa ng may 30,000 metriko tonelada ng green coffee beans noong nakaraang taon, mas mataas ng konti sa 29,957 metriko tonelada na naproduce noong 2022.

Dahil sa pagtaas ng pandaigdigang demand sa kape, binigyang-diin ni Tiu Laurel ang agarang pagpapa-igting ng mas malawak at multi-agency partnership.

Umaasa din ang kalihim na matutulungan ang bansa na magtalaga ng panuntunan para sa coffee production excellence sa pamamagitan ng naturang kolaborasyon.