LPA

DA sa magsasaka, mangingisda: Maghanda sa paparating na bagyo

Cory Martinez Oct 27, 2024
44 Views

PINAGHAHANDA na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda laban sa posibleng epekto na idudulot ng paparating na bagyo na may international name na Kong-Rey.

Sa Bulletin No. 2 on Tropical Storm {Kong-Rey} outside PAR (Potential “Leon”), pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang mga hinog nang pananim at ihanda ang mga post harvest equipment at pasilidad habang hindi pa tumatama ang bagyo sa bansa na tatawaging Leon kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinaghahanda din ng DA ang mga magsasaka na ilagay ang mga binhi, mga kagamitan sa pagtatanim at iba pang farm input sa ligtas na lugar; ilagay sa matataas na lugar ang makinarya at iba pang kagamitan sa pagsasaka; mag-imbak ng sapat na pagkain at tubig para sa mga hayop at linisin ang mga daluyan ng irigasyon upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis dumaloy ang tubig.

Pinayuhan naman ng DA ang mangingisda na ilagay sa mataas na lugar ang kanilang mga bangkang pangisda at huwag nang lumayag.