Sebastian

DA: Suplay ng bigas sapat

Mar Rodriguez Jun 27, 2023
136 Views

MAYROON umanong sapat na suplay ng bigas sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Undersecretary Leo S. Sebastian, ang namumuno sa Masagana Rice Industry Program (MRIP) ng DA, maraming naaning palay mula Enero hanggang Hunyo at inaasahan na aabot sa anim na porsyento ang itinaas ng produksyon.

“This is based on PhilRice PRISM data of 8.153 MMT (million metric tons) palay production in 2022 to 8.605 MMT palay or 5.6 MMT milled rice in 2023,” sabi ni Sebastian.

Bukod sa naani ngayong taon ay mayroon umanong carry over stock na umaabot sa 1.8 milyong MT at mayroong dumating na 1.8 milyong MT mula sa ibang bansa.

Sa pagtatapos ng Hunyo, sinabi ni Sebastian na sapat ang suplay para sa dalawang buwan.

“By the end of June, the stock available will be good for more than 2 months, in additional to the incoming supply from the new harvest and import arrivals in the coming months,” sabi pa ng opisyal.

Ayon kay Sebastian ang mataas na presyo umano ng bigas ay dulot ng malaking gastos sa produksyon at mataas na presyo sa pandaigdigang pamilihan.