Vargas

Dadag sa suweldo ng mga PH nurses isinulong ni Vargas

Mar Rodriguez May 15, 2024
349 Views

PARA hindi na mapilitan ang mga Filipinong nars na magtrabaho sa ibang bansa, isinulong ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng “increase” sa suweldo nila.

Ipinaliwanag ng kongresista na kung maibibigay ng pamahalaan at matitiyak nito ang nararapat na proteksiyon para sa mga Pilipinong nars, kabilang ang pagsusulong ng mga oportunidad upang umasenso sila sa kanilang propesyon, mas ma-eengganyo silang manatili sa bansa.

Inihain ni Vargas ang House Bill No. 5806 o ang Nurses Appropriation through Raised Salaries (NARS) Act. Kasama na dito ang House Bill No. 1978 o ang Care for Nurses Welfare Act upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Nurses sa pamamagitan ng maayos na kompensasyon.

Sinabi ni Vargas na tinatalakay sa kaniyang dalawang panukalang batas ang mahahalagang issues na nakaka-apekto sa mga Filipino nurses sa bansa na nagtutulak sa kanilang makipagsapalaran sa ibayong dagat sa kabila ng mga peligrong maaari nilang kaharapin.

Ayon kay Vargas, kabilang sa mga issues na kasalukuyang kinakaharap at binabalikat ng mga nurses sa Pilipinas ay ang kaligtasan sa kanilang workplace o spital na pinagta-trabahuhan, equitable compensation at ang kakulangan ng mga Nurses na umaasikaso sa mga pasyente.

“By championing these measures, we give our Nurses the competitive advantage to remain in the Philippines as well as honor them for their dedication, compassion and invaluable contributions to healthcare,” sabi ni Vargas.