Calendar
Dagdag-bawas sa muli sa presyo ng produktong petrolyo
MAGTATAPYAS muli sa ikatlong sunod na linggo ng presyo ng diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis habang may katiting na dagdag-presyo naman sa gasolina simula Martes ng umaga, Oktubre 21 2025.
Sa hiwalay na abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil at Flying V, P0.70 sentimos kada litro ang ibabawas nila sa presyo ng diesel at P0.60 sentimos naman sa diesel habang P0.10 sentimos ang bawas-presyo sa gasolina epektibo alag-6:01 Martes ng umaga.
Ganito ring halaga ang ipatutupad na dagdag-bawas ng mga kompanyang PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, at Unioil sa kanilang produktong diesel at gasolina alas-6:00 din ng umaga habang alas-8:01 naman ng umaga ang Clean Fuel na pawang hindi nagbebenta ng kerosina.
Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, nauna ng ini-anunsiyo ng Department of Energy ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo sanhi ng mataas na supply ng langis at pagbaba ng pandaigdigan pangangailangan nito.

