Calendar
Kinilala ni P/Lt. Col. Rommel Anicete ang suspek naaresto dahil sa pananakit, pananakot at panunutok na may dala pang baril.
May boga na nanapak pa, arestado
INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 ang lalaking inireklamo ng pananakot, pananakit at pagdadala ng baril noong Linggo sa Block 1 Gasangan at Divina De Gracia Church sa Brgy. 649, Baseco, Port Area, Manila.
Nahaharap sa kasong paglabag na grave threat, physical injury, paglabag sa Article 151 (Resistance and disobedience to a person in authority or agents of such person) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition) ang suspek na si alyas Julieto, 47.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD-Baseco PS 13, bandang alas-10:45 ng gabi inaresto ng mga pulis ang suspek.
Sa salaysay ng biktima na si alyas Ramil, sinuntok siya ng suspek at naglabas ng baril at tinutukan siya.
Naunahan ng mga pulis sa pag bunot ng baril ang suspek at dinisarmahan kaya naaresto.
Narekober sa suspek ang cal .45 pistol na may kargang pitong bala.
