Ayaw magbayad, nasakote sa Valenzuela
Jan 24, 2025
Rape suspek tiklo sa parak-Manila
Jan 24, 2025
Calendar
Nation
Dagdag buwis sa matapos na inumin, junk food itutulak ng Marcos admin
Neil Louis Tayo
Jun 21, 2023
194
Views
ITUTULAK ng administrasyong Marcos ang pagtaas sa buwis na ipinapataw sa mga matatamis na inumin at junk food, ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon kay Pangandaman plano ng Department of Finance (DOF) na magsimula ang mas mataas na buwis sa 2024, mas maaga ng isang taon sa nauna nitong plano.
Katuwang ng DOF sa panukala na itaas ang buwis sa sweetened beverages at junk food ang Department of Health (DOH).
Bukod sa pagtaas ang kita ng gobyerno, makatutulong din umano ang panukala upang matugunan ang dumaraming kaso ng obesity sa bansa.
Ang dagdag na kita ay gagamitin umano upang pondohan ang Universal Healthcare Law upang mas marami ang makapagpagamot ng libre o maliit na lamang ang babayaran.
Balik-PH na 17 Pinoys na na-hostage sa Yemen
Jan 24, 2025