Calendar
‘Davao template’ inusisa sa ikapitong pagdinig ng House quad committee
๐๐๐ก๐๐ ๐ฝ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐บ๐ถ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ธ๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ด q๐๐ฎ๐ฑ c๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐, s๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฏ๐ฒ๐๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ด “๐๐ฎ๐๐ฎ๐ผ ๐๐ฒ๐บ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ฒ” ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ธ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐นlegal ๐ฑ๐ฟugs ๐ป๐ผ๐ผ๐ป๐ด administrasyon ๐ป๐ถ ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ผ ๐ฅ. ๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ.
Sa unang salvo ng pagdinig ng House quad committee na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace S. Barbers, inusisa ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano sa kaniyang interpellation ang naganap na pulong sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao City, tatlong araw bago pormal na maluklok si dating Pangulong Duterte noong 2016.
Ayon kay Paduano, ang pinagusapan sa naturang pulong ay ang โDavao template,โ bilang bahagi ng madugo at marahas na war on drugs campaign ni dating Pangulong Duterte na ang pangunahing puntirya ay isa-isang itumba ang mga sangkot sa illegal drugs.
Sinabi ni Paduano na pinangunahan ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1996 at 1997 ang naganap na pagtitipon kung saan naroon umano ang presensiya nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Senador Christopher “Bong” Go at dating Pangulong Duterte.
Kinumpirma rin ni dating Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na kasama sa napagusapan sa ginanap na pulong ang “Davao template.”
Nabatid pa sa imbestigasyon ng quad committee na magkakasama sa naturang pulong sina Garma, Col. Lito Patay, Col. Edilberto Leonardo at Col. Hector Grijldo.
Idiniin ni Paduano na mahigit isang buwan matapos ang nangyaring meeting sa DPWH building ay naganap ang serye ng pagpatay sa loob ng correctional facility sa Leyte, Davao Prison and Penal Farm at Paraรฑaque City Jail na naganap noong Agosto 11, 12 at 13 noong 2016.