FDI

Dayuhang puhunan na pumasok sa bansa lumago

292 Views

UMAKYAT ang foreign direct investments (FDI) sa bansa noong Abril, ayon sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang FDI net inflow sa bansa ay naitala sa $989 milyon noong Abril, tumaas ng 48.7 porsyento kumpara sa $667 milyong net inflow noong Abril 2021. Noong Marso 2022 ang FDI net inflow ay $727 milyon.

Ang FDI ay ang cross-border investment ng isang dayuhan sa isang kompanya na nasa Pilipinas.

Ang year-to-date net inflows ng bansa ay umakyat ng 12.1 porsyento o naging $3.4 bilyon, kumpara sa $3.1 bilyon sa unang apat na buwan ng 2021.