Calendar
DBM inaprubahan P2B dagdag ayuda
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng dagdag na P2 bilyon para sa ayudang ibibigay sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon sa DBM inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nangangasiwa sa pagbibigay ng ayuda.
“Ang pondo ng taumbayan, dapat pong mapakinabangan rin ng taumbayan lalo na sa oras ng peligro,” sabi ni Pangandaman.
Ang naturang pondo ay mapupunta umano sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
“Maganda ang timing ng karagdagang pondong ito. Gusto nating tulungan ang DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan,” dagdag pa ng kalihim.
Nauna rito ay inaprubahan ng DBM ang pagpapalabas ng P4.13 bilyong pondo para Targeted Cash Transfer Program ng DSWD.