Desisyon ni VP Sara naiintindihan ng Lakas-CMD

137 Views

NAIINTINDIHAN umano ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na umalis sa kanilang partido.

“We thank Vice President Sara Duterte for the services she rendered to our party, the Lakas-CMD, as Party Chair, and for helping us build a Unity Team aimed at bringing meaningful change to Philippine society,” sabi ng pahayag ng Lakas-CMD na inilabas ng Secretary General ng partido na si Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino.

“As we respect her decision, we understand her reason for leaving the political party,” dagdag pa nito.

Suportado rin umano ng Lakas-CMD ang panawagan ni Duterte sa mga lider ng iba’t ibang partido na magsama-sama para suportahan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at magtrabaho para magtagumpay ang administrasyon para sa bansa.

“We continue to believe in our shared vision that only a country united can lift the Filipino people out of poverty and ensure a better future for generations to come,” sabi pa sa pahayag.