Dir Alvindia

Dir. Alvindia ng Philmech binigyan ng Lingkod Bayan Award

222 Views

DAHIL sa kanyang dedikasyon sa trabaho, sipag at talino kaya binigyan ng mataas na pagkilala ng Palasyo bilang Lingkod Bayan Award si PhilMech Director/Dr. Dionisio Alvindia.

Mismong ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nag-abot ang Lingkod Bayan award kay Dir.Alvindia na isinagawa nitong nakalipas na March 8, 2023 sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Dir. Alvindia ay plant pathologist at scientist ay nakapag-ambag ng malaki para mai-angat ang buhay ng libo-libong magsasaka sa bansa kaya pinagkalooban ng
Presidential Lingkod Bayan Awardee.

Sa kanyang pananaliksik, masinop na pag-aaral at trabaho ay Inintroduce ni Dir. Alvindia ang natatanging innovations na nagbigay ng “empowerment” at inspirasyon sa lahat ng stakeholders sa agriculture sector sa bansa.

Kabilang sa “notable works” o hindi matatawarang trabaho ni Dir. Alvindia ay ang paggamit ng “botanicals” para sa management ng post harvest mango anthracnose.

Mainit ang pagbati at pagkilala ng Pangulong BBM kay Dir. Alvindia habang inihahabot ang award nito.

Taos puso namang nagpapasalamat si Dir.Alvindia sa Pangulo dahil sa pagkilalang ibigay sa kanya at nangakong lalo pang pagbubutiin ang kanyang trabaho para sa kapakanan ng libu-libong magsasaka na siyang nagpo-produce ng pagkain sa bansa. (30)