Alvarez

Panukalang batas tungkol sa diborsyo muling umusad sa Kongreso

Mar Rodriguez Feb 23, 2023
367 Views

NAGSIMULA nang umusad sa House Committee on Population and Family Relations ang House Bill No. 4998 na inihain ni dating House Speaker at Davao del Norte 1st Dist. Congressman Pantaleon “Bebot” D. Alvarez na nagsusulong ng debosyo sa Pilipinas matapos itong madiskaril noong 17th Congress.

Sa isinigawang pagdinig ng nasabing Komite, muling umarangkada ang panukalang batas ni Alvarez hinggil sa kontrobersiyal na usapin ng deborsyo matapos itong madiskaril noong 17th Congress. Bagama’t pumasa na ito sa ikatlong pagbasa sa Plenaryo ng Kamara de Representantes.

Ipinahayag ni Alvarez na napaka-gandang pakinggan ang mga katagang “magsasama ang isang mag-asawa hanggang kamatayan” o “in sickness and in health till death do us part”. Subalit iginiit nito na depende na lamang ito kung ang isang mag-asawa ay talagang naangkop para sa isa’t-isa.

Sinabi ni Alvarez na kung pagbabatayan lamang ang mga ksalukuyang kaganapan. Nagdudumilat aniya ang katotohanan na hindi lahat ng mag-asawa ay matatawag na angkop o compatible para sa isa’t-isa. Sapagkat may mga mag-asawa na sa loob ng napaka-habang panahon ng kanilang pagiging mag-asawa ay duon pa lamang nila natutuklasan na hindi pala sila para sa isa’t-isa.

Ayon sa kongresista, naisin man ng mag-asawa na maghiwalay upang itama ang nagawa nilang pagkakamali ay hindi na rin nila ito magagawa dahil sa malaking gastusin na kailangan nilang gugulin para sa proseso ng deborsyo o paghihiwalay. Bukod pa dito ang napakahabang panahon ng paghihintay para i-proseso naman ang mga dokumento para sa kanilang deborsyo.

Dahil dito, binigyang diin ni Alvarez na kadalasan ay pinagtitiyagaan na lamang ng isang mag-asawa na magsama sa kabila ng kapwa nila kinasusuklaman ang isa’t-isa bunsod ng mga issues na nakakulapol sa kanilang pagsasama o marriage na isa aniyang bangungot para sa mag-asawa.

“For this situation, a toxic marriage like an exploding star pulled back and collapsing unto itself. Becomes a blackhole where nothing not even the light hope and love can survive or escape. And as a mistake, and with options to sever marriage as time-consuming, adversarial and very expensive, the effect is to forcibly chain together those who should be allowed to distance and part ways in peace,” ayon kay Alvarez, dating House Speaker.

Binigyang diin pa ni Alvarez na ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng isang mag-asawa ay ang tinatawag na “compatibility” o hindi sila magkasundo dahil sa magkakaibang paniniwala at opinyon nagsisilbing ugat ng hindi pagkaka-intindihan. Kaya lumalabas aniya na talagang hindi sila nababagay para sa isa’t-isa.

Dahil dito, iginiit pa ng mambabatas na kaya nararapat lamang na muling bigyan ng pagkakataon ang kaniyang House Bill No. 4998 sapagkat marami ang lumalapit umano sa kaniya at nagtatanong kung ano na ang status at kung matutuloy pa ang nasabing panukalang batas.

“Until now, people approach me and you’d be surprised what they ask about. They tell me. “Congressman Alvarez, kamusta na po yung divorce bill, matutuloy pa ba? Ayan po ang palaging tinatanong sa akin,” sabi pa ni Alvarez.