PBBM binigyan ng portrait ng artist na si Alvin Hipolito

351 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bigay na portrait ng kilalang artist na si Alvin Hipolito.

Tinanggap ni Marcos ang portrait sa courtesy call sa kanya ni Hipolito sa Malacañan Palace.

Si Hipolito ay anak ng namayapang visual artist na si Dante Hipolito, na nakilala sa kanyang painting na “Salubong,” kung saan makikita si Pope Francis kasama ang mga nagdiriwang na Pilipino.