SWS

SWS: Nakararaming Pinoy happy sa love life

195 Views

Nakararaming Pilipino ang masaya umano sa kanilang love life, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, nagsabi ang 57 porsyento na sila ay “very happy” sa kanilang love life.

Nagsabi naman ang 25 porsyento na ito ay sana mas masaya pa o “could be happier,” habang 17 porsyento naman ang nagsabi na wala silang love life.

Samantala, tatlo sa bawat 10 Pilipino ang nakaranas na hindi nasuklian ang kanilang ibinigay na pagmamahal.

Isa naman sa bawat tatlong Pilipino ang nagtapat ng pag-ibig sa kanilang kaibigan.

At sa mga nagtapat ng pag-ibig sa kanilang kaibigan, 50% ang nagsabi na nasuklian ito.