Calendar

DML Ortega kinondena malawakang pagpapakalat ng fake news kasunod ang pag-aresto kay Duterte
MARIING kinondena ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang malawakang pagkalat ng fake news sa iba’t ibang social media platforms kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Ortega, ang pagkalat ng fake news ay maituturing na isang “national embarrassment” lalo’t hindi rin nakaligtas maging ang International Criminal Court (ICC) sa ikinakalat na maling impormasyon.
“The sheer volume of disinformation is not just disturbing—it’s humiliating. Umaabot na sa puntong pati ICC, isang international tribunal, ay nadadamay sa kasinungalingan. Nakakahiya tayo sa buong mundo,” ani Ortega.
Pinuna rin ni Ortega ang pagpapalaganap ng maling impormasyon ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea, kabilang ang mga alegasyon na nawawala si Duterte at hindi siya binibigyan ng sapat na atensyong medikal ng ICC.
“Many people were agitated by these misleading statements, and we must hold accountable those who are deliberately peddling fake news to manipulate public perception. Hindi ito simpleng usapin ng opinyon—deliberate disinformation ito na sinasadyang lituhin ang publiko,” dagdag niya.
Ayon kay Ortega, maging ang ICC ay tina-target ng pro-Duterte disinformation, kung saan si Presiding Judge Lulia Motoc ay naging biktima ng fake news at online harassment.
Nag-viral ang fake news na hindi marunong ng Ingles si Judge Motoc, sa kabila ng opisyal na rekord ng ICC na nagpapatunay na dalubhasa siya sa limang wika, kabilang ang English.
Bukod dito, naglabasan din ang maling pahayag na konektado si Motoc sa pamilya Marcos matapos siyang maling matukoy sa isang larawan kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.
“The attacks on Judge Motoc show how far disinformation networks will go to distort reality and discredit legal proceedings. They’re fabricating stories, questioning credibility, and spreading outright lies just to muddy the waters,” ani Ortega.
Binatikos din ni Ortega ang paglaganap ng fake quote cards na mula sa mga kilalang personalidad na umano’y sumusuporta kay Duterte, kabilang si US President Donald Trump at maging ang fictional character na si Saul Goodman mula sa seryeng “Breaking Bad”.
“These fabricated narratives are meant to stir chaos and cast doubt on legal proceedings. It’s alarming that some people are so desperate to twist reality that they’ll even invent quotes from fictional characters. Ano na lang ang tingin sa atin ng international community?” dagdag niya.
Batay sa ulat ng fact-checking organizations tulad ng VERA Files, karamihan sa maling impormasyon kaugnay ng pag-aresto kay Duterte ay mula sa pro-Duterte networks, na kumakalat sa Facebook, TikTok at YouTube.
Ilan sa mga pekeng balita ay ang manipulated videos ng mga protesta sa Argentina at Serbia na pinalabas bilang rally sa suporta kay Duterte sa Pilipinas.
“The ICC’s jurisdiction over the case has been affirmed, yet the same false claims keep circulating, misleading people into believing otherwise. We need to combat this flood of fake news with facts, not propaganda,” ani Ortega.
Hinikayat ni Ortega ang mga Pilipino na maging mapanuri at tiyaking totoo ang impormasyon bago ito ibahagi online.
“Sa huli, sino ang talo rito? Tayong mga Pilipino. If we allow fake news to flourish, we lose our credibility as a nation. Let’s not allow disinformation to define our democracy,” pagtatapos niya.